Saturday, January 20, 2007

Survivor O Savior

Namalagi siya sa isla ng ilang linggo, kumain ng kakaibang pagkain at pinagdaanan ang napakahirap ng mga pagsubok - para manalo ng $1 milyon. Siya ang Survivor.

Siya ay inaresto nang walang matibay na ebidensiya, pinahirapan, kinoronahan ng tinik, ipinako sa krus at pinatay - para sa ating kaligtasan. Siya ang Savior.

Pareho silang kinailangang lumaban para sa gantimpala. Para sa Survivor, ito ay upang magkamal ng materyal na kayamanan. Kaya kinailangan niyang makipagtunggali at ituring na kalaban ang lahat upang magwagi. Ang Savior naman ay gusto tayong iligtas sa pamamagitan ng kanyang pagkamatay sa krus. Siya ay nanatiling mabait at mapagkumbaba at itinuring ang lahat, kahit na Kanyang mga taga-usig, nang may pagmamahal.

Kapwa silang gumawa ng mga bagay na hindi pangkaraniwan. Pero para saan? Nais ng Survivor makamit ang lahat para sa kanyang sarili, habang ang Savior naman ay nangangakong magbigay ng katahimikan at kagalakan sa lahat ng susunod sa Kanyang mga yapak.

Sasama ka ba sa Savior, o magiging isang Surviror? Jane G.

Pagninilay: Si Hesus nga ay baliw sa pag-ibig Niya sa atin.

Salamat, Hesus, sa pagmamahal Mong baliw para sa mga makasalanang tulad ko.

No comments: