Tuesday, January 2, 2007

Nasumpungan Ang Katotohanan

Merong yugto sa buhay ko na hinanap ko ang Panginoon, sumali ako sa isang Bible study na hindi Katoliko. Nilinaw ko rin kay pastor na mahal ko ang pagiging Katoliko at gusto ko lang matuto ng mas malalim tungkol sa Panginoon. Naintindihan naman ni pastor at nirespeto nya ako.

Lumalim ang pagkakilala ko sa Diyos at naging mas mataimtim ang aking panalangin. Minsan nakausap ko ang pastor ko, ang sabi nya, "Kung hahanapin mo ang katotohanan, aakayin ka nito palayo sa Simbahang Katoliko." Nabalisa ako. Humingi ako ng karunungan at gabay sa Panginoon upang malaman ko ang Katotohanan. Tapos, napanoon ko sa TV ang tungkol sa buhay ni Pope John Paul II. Napaiyak ako sa kabanalan niya at kung paano siya hinubog ng Panginoon upang maging Lingkod ng mga lingkod ng Diyos. Hinanap rin niya ang katotohanan at nasumpungan niya ito sa Simbahang Katoliko. At napagtanto kong nasumpungan ko na ang katotohanan.

Hinanap ko ang katotohanan at nauwi din ako sa Simbahang Katoliko. Ronna L.

Pagninilay: Nasa utak mo lang ba ang iyong pananampalataya o nasa iyong puso?

Panalangin: Panginoon, ibig kitang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.

No comments: