Monday, January 1, 2007

Ikaw Ba Ay Mapagnilay-nilay Na Tao?

Sobra kong pinahahalagahan ang aking umaga.

Natutunan ko na kung gusto mong magtagumpay sa isang araw, kailangan mong pagtagumpayan ang iyong umaga.

Kaya naman gumigising ako ng mas maaga kaysa sa mga kasama ko sa bahay.

At sa kadiliman at katahimikan ng madaling-araw, ang naririnig ko lang ay ang lagitik ng tiklado ng aking computer habang sumusulat ako ng aking mga panalangin sa Diyos. Tila nararamdaman ko na dinadala ako sa ibang mundo.

Ganun ako manalangin. Natutunan kong dapat magdasal sa paraang mas madaling makakausap ang Diyos. Para sa akin, ito ay sa pagsulat ko ng mga liham sa Kanya.

At sa pamamagitan ng pagsulat ko, naisasagawa ko ang ginawa ni Maria. "Itinago niya ang lahat ng mga ito sa kanyang puso."

Kailangan kong gawin iyan: Magnilay-nilay. Mag-isip. At magpasalamat ng buong puso.

May isang matalinong tao na nagsabi, "Ang buhay na hindi pinagninilay-nilayan ay hindi dapat na ipinamumuhay." Bo S.

Pagninilay: Gumawa ka ng "blessing box." Isulat mo ang mga biyaya ng Panginoon sa maliliit na papel at itago mo sa "blessing box." Balik-balikan mo ito!

Panalangin: Turuan Nyo akong maalala ang lahat ng biyaya Ninyo para makita ko ang ginagawa Niyo sa buhay ko.

No comments: