Saturday, January 27, 2007

Ang Tunay Kong Hilig

Isang araw, tinanong ako ng kaibigan ko. "Alam mo ba talaga kung saan ang "passion" mo?

Di ko siya masagot ng diretso. Marami akong pangarap at interasado ako sa maraming bagay. Sa paniwala ko, maraming talento ang naibigay sa akin ng Panginoon. Kahit na malapit na akong mag 50-anyos, tuloy pa rin ang pagsisikap kong mapalago ang aking sarili.

Kaya't pinag-isipan kong mabuti ang sagot sa tanong na ito. Ano nga ba talaga ang hilig mo, Tess?

Inumpisahan kong seryosohin ang buhay ispiritwal ko mga 10 taon na ang nakakaraan. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Nanalig lang ako na gagabayan ako ng Panginoon. Kaya naging manunulat ako. Nagturo rin ako kahit hindi ako sigurado na talagang gusto ko itong gawin, tapos naging tagapayo pa ako.

Teka, iyon na siguro ang "passion" ko. Handa aking sumunod kung saan Niya ako dalhin! Ang hilig ko ay ang manampalataya na unti-unti Niyang ipapakita sa akin kung ano ang plano Niya sa buhay ko. Tess VA.

Pagninilay: Ano ba ang hilig mo? ito ba ay nakatutulong na ilapit ka sa Panginoon o mas lalo kang napapalayo sa Kanya dahil dito?

Nawa'y matuklasan ko kung ano ang plano Ninyo para sa akin at ano ang mga nais kong gampanan para sa inyo.

No comments: