Friday, January 19, 2007

Itinalagang Mga Lingkod

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng aming parokya, hindi nagtalaga ang aming kura paroko ng mga miyembro ng parish pastoral council. Sa halip, hinayaan niya ang mga pinuno ng iba-t-ibang organisasyon ng simbahan na pumili sa kanila ng 15 tao na magiging kinatawan sa konseho.

Ang paghahalal ng mga "lingkod" ay naging kaugalian na ng simbahan sa maraming pagkakataon. Mga tao ang nagtatalaga subalit pinaniniwalaang ito ay sinang-ayunan ng Diyos.

Sabalit ang malinaw na ayon sa plano ng Diyos ay yung mga pinili mismo ni Hesus, tulad ni Hudas. Hindi Niya hinayaang mga tao lamang ang mamili at bomoto ng 12 disipulo! Alam Niya kung sino ang nararapat. Sinasabi ng Bibliya na ang "pagtatalaga" ay ibinigay sa ating lahat. Sabi ni Hesus, "Pinili ko kayo para humayo kayo at mamunga - at manatili ang inyong bunga."

Maliwanag, hindi lamang Niya itinalaga ang 12 disipulo para itaguyod ang Kanyang simbahan. Itinalaga Niya ang bawat isa sa atin. Hindi sa kagustuhan ng tao, kundi sa kalooban ng Diyos, tayo ay tinawag upang "mamunga" para sa Kaharian! Mga kaibigan, tumalima tayo! Cristy G.

Pagninilay: Naniniwala ka bang ikaw ay ibinukod at pinili ng Panginoon?

Tinatanggap ko ang Inyong mga utos at nananalig sa Inyo para sa lakas na kailangan para gampanan ito.

No comments: