Monday, January 22, 2007

Mas Mahalaga Ba?

July 2, 2005. Araneta Coliseum. Oras na para sa Reuben Morgan/Hillsong concert ng FiSH magazine. Mahigit sa 10,000 tao ang dumalo para magpuri kay Hesus. Naghalo ang mga radikal na Katoliko at born-again sa isang pambihirang pagkakataon ng pagsasama at pagkakaisa.

Naalala ko pa nung college ako, may isang Protestante na pilit akong tinatanong king anong petsa ako naging "born again." Dahil hindi ko alam ang isasagot ko, binanggit ko na lang 'yung kabuwanan ng aking Life of the Spirit Seminar. Pero hindi siya kumbinsido sa sagot ko, kaya sinabi niyang sa tingin niya, hindi ako makakapasok sa langit! Hay naku!

Mabuti na lang at hindi na ako nakakatanggap ng ganyang klaseng mga tanong ngayon, bagama't madalas kong nakakasama ang mga Protestante sa larangan ng radyo at musika. Marami na ang nakakaunawa na ang pag-ibig na itinuro ni Kristo ang dapat nating sundin at bigyang halaga. Dahil sa kalaunan, ang isang sambahayang naglalaban-laban ay hindi mananatili.

Sa pamilya ninyo, nagkakaisa ba kayo? Jomar H.

Pagninilay: Gaano ba ka-importante ang pagkakaisa sa akin?

Turuan Ninyo ako, Panginoon, kung kailan ang tamang panahon para ipagtanggol ang aking pananampalataya at kung kailan mas mahalaga ang pagkakaisa.

No comments: