Sunday, January 14, 2007

Kailan Ka Nagsimula?

Noong bago pa lamang akong Kristiyano, hindi ako nagdadala ng payong. Aaminin ko, dahil ayokong may bitbit pag naglalakad. Pero maliban doon, natuklasan ko na kapag nagsimula ng umambon at nagdasal akong patigilin ito, humihinto nga! Ang galing! Mahal talaga ako ng Diyos!

Ngunit isang araw, hindi ito nangyari. Hindi ko alam kung bakit. (Siguro may isang bago ring Kristiyanong nagdasal na tumuloy ang ulan para mapuno ng tubig ang inuman ng kanyang alagang aso dahil nakalimutan nya itong lagyan.) Subali't natutunan ko na hindi ito nangangahulugan na hindi na ako mahal ng Diyos. Ibig lamang sabihin nito na handa na ako para sa mas malalim na mga leksiyon.

Kailangan kong matutunan na minahal Niya ako nung wala akong trabaho, at nung hindi bumenta ang concert na pinalabas namin. Kailangan kong matutunan na minahal Niya ako nung naman si Tatay. Kailangan kong matutunan na minahal Niya ako noong di ako nakakuha ng US visa. Kailangan kong matutunan at maniwala na Siya ang Diyos ng buhay ko kahit na anong mangyari. Victoria L.

Pagninilay: Madali ka bang mawalan ng pag-asa kapag nabigo?

Sa aking paghihirap, ipaalala Ninyo na makakaya ko ang lahat dahil sa pag-ibig Ninyo.

No comments: