Monday, January 29, 2007

Sino Man Ako Sa Iyo

Dating nagtuturo ang kapatid ko sa isang batikang music school. Labing-siyam na taong gulang pa lang siya noong nag-umpisa siyang magturo ng piano at organ. Ang kanyang batang hitsura ang lubos na nakakaapekto sa pagtingin sa kanya bilang guro.

Minsan ay narinig niya ang isang nanay na nagtanong, "Guro ba talaga yan?" Pati ang tagapamahala ng eskwelahan ay duda sa kanyang kakayahan. Kakaunti ang mga estudyanteng ibinigay sa kanya, at ang iba ay inilipat nito sa ibang klase na hindi ipinagbibihay-alam sa kanya.

Pero nakasama ang kapatid ko sa isang matagalang seminar na pinamumunuan ng isang Haponesa. Sa apat ng buwan, bumilib sa kanyang huyas at talento ang Haponesa. Dahil dito, kumalat ang balita tungkol sa kanyang pagiging isang magaling na guro sa musika. Ilan sa kanyang estudyante ay nagwagi na rin sa mga patimpalak, dahil sa pagtuturo ng aking kapatid.

Nabaligtad na nga ang kapalaran. Napatunayan ng aking kapatid ang kanyang kakayahan, at ngayon ay isa na siya sa mga pinakapopular at habilin na guro. Judith C.

Pagninilay: Kapag pinupuna ka, nawawalan ka ba ng loob, o lalong nagsusumikap?

Anuman ang sabihin ng iba Panginoon, nawa'y lagi kong alalahanin kung ano ako sa Iyong paningin.

No comments: