Saturday, January 13, 2007

Kape Lang Naman

Kung meron akong pinagyayabang sa asawa ko, ito ang pagiging tapat sa kanya at sa aming sumpaan noong kami'y kinasal. Madalas ko sa kanyang sabihin, "Itaga mo sa bato, hindi ako mahuhulog pagdating diyan."

Nagtratrabaho ako noon sa isang klinika at mayroon akong naging kaibigan na doktor na malilimit magyaya na magkape. Naisip ko na dahil pareho kaming may asawa, hindi tamang lumalabas kami. Pero sabi ng asawa ko OK lang naman magkape kasama ang kaibigang lalaki. Kaya nagpatuloy ang coffee break namin at lalo pang naging madalas. Paglipas ng ilang buwan, nahalata ko na mas nag-aayos ako kapag alam kong magkakape ako kasama itong doktor na ito. Tinawag ng Panginoon ang aking pansin. Noong una, hindi ko Siya pinapansin. Ngunit pinaamin din Niya ako. Ang tinatawag ko na inosenteng relasyon ay paglalandi na para sa Kanya. Hindi man ako nangangalunya, pero sa aking kalooban, nangangaliwa na ako!

Humingi ako ng patawad sa Diyos at sa aking asawa at tinigil ko na ang pagkakape kasama ang doktor na iyon.

Hindi naman talaga ko mahilig sa kape eh! Ronna L.

Pagninilay: Tutulungan lang tayo ng Panginoon kung kailangan natin Siya.

Panginoon, buksan Ninyo ang aking mga mata sa aking kasalanan.

No comments: