Tuesday, January 16, 2007

Mas Higit Pa

Si Father Luis Sierra, ang kura paroko namin sa Binondo Parish, ay nagkaroon ng mga bisitang nakipag-debate laban sa pananampalatayang Katoliko. Alam nila ang Bibliya, at kadalasan literal ang pagpapaliwanag nila ng mga talata. Kaya tinanong sila ni Father, "Ano ang mas mahalaga, ako o ang Bibliya?" mabilis pa sa kisapmatang sinagot nila. "Ang Bibliya, siyempre."

Muli silang tinanong ni Father Sierra, "Para kanino ba namatay si Hesus, sa akin o sa Bibliya?" Tumahimik ang mga bisita. "Naniniwala akong namatay si Hesus si Kristo para sa akin kaya malamang mas mahalaga ako kesa sa anong aklat sa Bibliya."

Nang matapos ang kanilang usapan, nagpakumbaba ang mga bisita sa kanilang karanasan. Sinabi nila, "Kahit minsan sa ating talakayan ay hindi nagtaas ng boses o nawalan na pasensiya. Marami kaming natutunan sa inyo."

Ang Bibliya ang pinagmumulan ng ating kaalaman, kalakasan, inspirasyon at marami pang iba. Ngunit hindi ito dapat gamitin bilang sandata upang manglait o humatol sa iba. Sana ay matuto tayong magturo ng hindi lamang ayon sa ating kaalaman kundi sa ating halimbawa. Cecille L.

Pagninilay: Mas mahalaga ba sa iyo ang tao o ang mga bagay?

Gabayan Ninyo ako sa pagdala ko ng Mabuting Balita sa ibang tao.

No comments: