Friday, January 26, 2007

Ang Ating Mga Timoteo

Si Boyet at si Vicky ay dalawa sa pinakamatalik kong kaibigan. Dati kaming magkakaopisina, pero kahit nagkanya-kanya na kami ng trabaho, ngakikita pa rin kami at mas nagkalapit pa.

Dalawang taon na ang nakakaraan nang magkasundo kaming magkita-kita ng regular para kumustahin at suportahan ang bawat isa. Lahat na aming mga pangarap, damdamin at pagpupunyagi ay maaari naming ipahayag. Kahit mga kasalanan namin ay pwede naming iladlad at di namin hinuhusgahan ang isa't isa. Sa ganitong paraan, nagiging totoo kami sa aming sarili at sa bawat isa. At dahil dito, mas nakikita namin kung kung paano namin maitutuwid ang aming mga sarili.

Sabi nila na tunay kang nakahanap ng yaman kung mayroon ka ng mabuting kaibigan. Sa buhay ko, doble ang yaman ko dahil hindi lang isang mabuting kaibigan ang nahanap ko kundi dalawa! Sila ang aking mga Timoteo.

Sa inyong buhay ispiritual, kailangan ninyo ang mga Timoteo. Sila ang makatutulong sa inyo na maging totoo at susuporta sa inyo sa mga mahahalagang desisyon na kailangan ninyong gawin. Roy M.

Pagninilay: Sino ang inyong mga pinakamatalik na kaibigan?

Salamat, Panginoon, para sa mga Timoteo ng buhay ko.

No comments: