Wednesday, January 17, 2007

Asawa Ng Diyos

Hinati ko sa pitong araw ng linggo ang mga petisyon at intensiyon na dapat kong ipagdasal. Huwebes, ang mga pari, madre, misyonaryo at mga lingkod ng Panginoon.

Sa aking dasal ng pasalamat sa mga taong nag-alay ng kanilang buhay upang maglingkod sa Panginoon. Kabilang dito ang ilang matalik kong kaibigan: sina Sr. Guia at ang Sacro Costato Missionaries, Sr. Noella, isang Benedictine sister at si Bro. Bros, isang Heswita. Tinuro nila sa akin ang kahalagahan ng bokasyong banal, na ito ay handog sa Panginoon sa piling tao lang. ibinahagi din nila ang pagsisikap na manatiling tapat sa kanilang bokasyon, kung gaano kahalaga ang pananalig at dasal sa Diyos upang makamtan ang grasya na magawa ang kani-kanilang misyon sa buhay.

Ako'y sadyang pinagpala ng Diyos na magkaroon ng mga kaibigang nagsisilbing inspirasyon at magandang halimbawa para sa buhay ko. Halina't ipagdasal natin ang mga pari, madre at mga misyonaryo, na sila'y manatiling tapat sa Panginoon hanggang sa huling sandali. Dina P.

Pagninilay: Ipagdasal natin ngayon ang mga pari, madre at mga misyonaryong naglilingkod sa Inyo.

Hesus at Maria, basbasan natin ngayon ang mga pari, madre at misyonaryo. Bigyan Ninyo sila ng grasya na manatiling matapat sa Inyo.

No comments: