Wednesday, January 24, 2007

Hindi Nagbabago

Isang kliyente ang inaalok ko ng insurance. Sa aming pag-uusap, interesado na siyang kumuha sa akin, ngunit dahil kulang pa ang kanyang pambayad, tawagan ko na lang daw siya sa araw ng sweldo.

Subalit nang muli ko siyang tawagan, sinabi niya, "May ibang ahenteng tumawag sa akin, at nag-aalok ng tulad ng planong inaalok mo. Bakit sabi mo, kailangan ko pa ring magbayad ng premium pag na-withdraw ko na ang lahat ng dividendo? Di naman daw totoo yun. Mas gusto ko ang iniaalok nya."

Iniulat ko agad ito sa aming Policy Department, at binigyan nila ng sulat na nagpapatunay na totoo ang aking mga paliwanag. Pero ayaw pa ring maniwala ng kliyente, kaya hinayaan ko na lang siya na kumuha ng insurance dun sa isang ahente. Tutal ay iisang kumpanya naman kami.

katulad ng taong ito, minsan ay tinatanggihan din natin ang katotohanan, lalo pa't hindi ito sang-ayon sa ating kagustuhan. Masakit mang tanggapin, ang katotohanan pa rin ang pinakamainam piliin. Dahil hindi ito kailanman nagbabago. Judith C.

Pagninilay: Naniniguro ka ba na katotohanan lang ang sinasabi mo?

Kahit na ang pagsasabi ng katotohanan ay mahirap at maaaring maging sanhi ng pagkabigo, bigyan Ninyo ako ng lakas na isiwalat ito.

No comments: