Thursday, January 18, 2007

Anghel?

Siya ang pinangalanang Angel dahil sa guardian angel na si Michael, ngunit habang lumalaki siya, ay kabaligtaran siya ng kanyang pangalan. "Satanas" ang palihim na bansag sa kanya ng mga kaibigan niya dahil ay sikat bilang traydor, mang-aagaw ng kasintahan, mandaraya, sinungaling at suwail na anak.

Sa edad na 24, nagkasakit ang kanyang ina, naospital nang tatlong araw, at namatay. Natulala si Angel! Ang buo niyang akala na ang kanyang inang nagmahal sa kanya ng lubusan, nagtago ng kanyang mga kamalian, ay mabubuhay nang habang panahon.

Nakalulungkot isipin na kailangan pang mamatay ng kanyang nanay para itama ang kanyang mga naging kamalian. Kaya matapos ang 10 taong pagwawaldas ng kanyang buhay, siya ay nangumpisal, nagpa-counsel, nagsimula ng bagong buhay na malayo sa ipinamuhay niya noon.

Ngayon ay ipinahahayag niya sa lahat na ang kanyang nanay na nagmahal sa kanya nang lubusan ay namatay para sa kanya, upang siya ay mabuhay sa grasya. Sabi niya na sobra siyang mahal ng Diyos ay pinatawad siya, at binigyan siya ng panibagong buhay para isabuhay tulad ng isang tunay na anghel. Chelle G.

Pagninilay: Sino ang mga taong tumulong para hubugin ka?

Salamat, Ama, sa mga taong nagsakripisyo para sa akin at ako'y nahubog sa kanilang pagmamahal.

No comments: