Tuesday, January 9, 2007

Sanib

Hindi ako nahilig manood ng mga nakaktakot na palabas. Hindi ko gusto ang pakiramdam pagkatapos manood, na parang akong sinasaniban. Minsan, humiram ang asawa ko ng VCD ng The Exorcist ni Linda Blair. Kahit pa sa simula ay ipinakita kung paano ginawa ang pelikula (pati lahat ng "special effects," etc.). Nang pinanonood na namin ang pelikula, ang lahat ay parang naging totoo. Sobrang totoo, na pinatigil ko na yung pinanood namin dahil pakiramdam ko ay magsisimula na ring umikot ang aking ulo.

Naisip ko rin na ang "possession" ay hindi lang tumutukoy sa sinasapian ng demonyo. Halimbawa, maaari akong "ma-possess" ng materyal na bagay. Naaalala ko kung paano ako ka delikado sa dati kong trabaho na iniuuwi ko pa ito at hindi iniintindi ang kakainin ng aking pamilya. Gaano ko ba kagustong bumili ng mga bagong gamit para sa aking sarili - bags, sapatos, damit? Inaamin kong hinahangad ko pa rin ang ganitong mga bagay, ngunit sa awa ng Diyos, patuloy Niyang pinalalayas ang mga "demonyong" ito sa aking pang-araw-araw na buhay. Marissa E.

Pagninilay" Handa ka na bang itakwil ang mga materyal na bagay?

Turuan N'yo ako, na laging tandaan na ang lahat ng ito ay hindi pang-habangbuhay. Kailangan kong matutong maging masaya sa mga biyaya Ninyo.

No comments: