Wednesday, January 10, 2007

Nagawa Niya!

Naniniwala ako sa mga sugatang manggagamot. Napagdaanan ko na ang maraming "sugat." Mga nakakatromang karanasan, kaguluhan sa pamilya na umabot sa korte, mga trahedyang tulad ng pagkamatay ng aking panganay na kambal na anak, mga dusang dala ng aking pangangaliwa, matinding problema sa pera, malubhang sakit... at hindi pa ito lahat.

Iharap ninyo sa akin ang sinumang may mabigat na problema at maiintindihan ko siya dahil parang nakikinig lang ako sa sarili kong kwento. "Nanggaling na ako doon. Napagdaanan ko iyan." Kaya't sa halip na hatulan agad sila, umiiyak ako kasama nila. Niyayakap ko sila. Dahil nararamdaman ko rin ang sakit.

Ang aking mga paghihirap at pagdurusa ay balewala kumpara sa napagdaanan ni Hesus. Sinibukan Siya. Itinatwa. Ipinahiya. Ipinako... Samantalang Diyos Siya! Maari Niyang pigilan ang lahat ng mga ito pero hindi Niya ginawa. Bakit? Dahil gusto ka Niyang iligtas sa pamamagitan ng pagdanas ng sakit na napagdadaanan mo. Alam Niya. Nadaanan Niya na iyon.

Sabihin mo lahat sa Kanya. Maiintindihan ka Niya. Alvin B.

Pagninilay: Nakikita mo na ba ang mga pighati ng nakaraan ay nagiging biyaya dahil mas nakakatulong ka sa ibang tao ngayon?

Panginoon, alam N'yo lahat ng mga sakit ko. Pagalingin Ninyo ako para mas lalo Ninyo akong magamit na instrumento ng pagpapagaling.

No comments: