Tuesday, January 23, 2007

Ang Pinakamahusay

Mahirap sa akin ang sumunod sa magulang. Ako ang suwail sa aming pamilya. Laging nasa ibang bansa ang aking ama, kaya ang aking ina ang halos nagpalaki sa amin. Matigas ang ulo ko na sanay na sanay akong gawing kahit anong gusto ko.

Nung nakilala ko ang Diyos, naging suwail pa rin ako. Kapag hindi ka sanay makinig at sumunod sa boses ng ina na nakikita mo, lalo nang mahirap marinig at sumunod sa boses ng Diyos na hindi mo nakikita. Ang kaibahan lang mas makulit ang Diyos.

Lokong-loko ako sa kasintahan ko noon. Nangungusap sa akin ang Diyos, "Bakit ka ba nagtitiyaga sa latak kung kaya Ko naman ibigay sa iyo ang pinakamahusay?" Ilang taon akong kinukulit ng Diyos pero di ko talaga kayang makasunod. Lumipas ang 10 taon at sa wakas, isinuko ko sa Diyos. Nakipaghiwalay na ako sa kasintahan ko. 'Nun hapon na iyon, may kaibigan akong tumawag sa akin. Pagkalipas ng isang taon at kalahati, naging asawa ko ang kaibigang 'yun. Doon ko lang naintindihan kung anong ibig sabihin ng "kalooban ng Diyos" ng hinihintay lang pala niya, ang pagtalima natin sa Kanya. Ronna L.

Pagninilay: Kung kayang ibigay ng Diyos ang pinakamahusay para sa akin, bakit lagi nalang tayo nagtitiyaga sa tira-tira o sa latak?

Panginoon, gusto ko ng pinakamabuti at pinakamahusay. Kaya Ikaw ang pinili ko.

No comments: