Thursday, January 25, 2007

Ebanghelyo Ng Buhay Mo

Sabi sa isang tulang nabasa ko (di ko kilala ang sumulat):

You are writing a gospel
A chapter every day
By deeds that you do
By words that you say
You are writing each day a gospel
Take care that the writing is true
For the only gospel that some would read
Is the gospel according to you.

Totoo nga ang sinasabi ng tula. Lahat tayo'y kasangkapan ng Diyos. Sa bawat kilos, salita at araw ng ating buhay, tinatawag tayong isabuhay ang Ebanghelyo. Ang mundo ay nangangako ng maginhawa at madaling pamumuhay. Subalit ang buhay-Kristiyano ay hindi madali. Ang kabaitan, pagpapatawad at lubos na pagmamahal ay maaring mahirap gawin kung ang pakay mo lang ay sumikat at makalamang. Sa araw-araw nating pamumuhay, isinusulat nating muli ang Ebanghelyo. Nawa'y naaayon ito sa Kanyang mga ipinangaral. Cotics C.

Pagninilay: Paano mo isinulat sa araw na ito ang ebanghelyo sa pamamagitan ng iyong mga aksyon at mga sinasabi?

Gamitin Niyo, Panginoon, ang buhay ko para maipaabot ang pag-ibig N'yo sa buong mundo. Sana makita nila Kayo sa buhay ko.

No comments: