Friday, January 12, 2007

Manalig Ka Sa Akin

"Walk hand in hand with me
Through all eternity
Have faith believe in me
Give me your hand. God is our destiny
No greater love could be
Walk hand in hand with me
Love is a symphony of perfect harmony
When lovers such we, walk hand in hand
Be not afraid for I am with you all the while..."

Ito ang mga titik ng awiting "Walk Hand in Hand" na naging paborito noong araw. Ito ang kantang inawit sa kasal ng aking tiya noong 1967, na sinundan ng halos 40 taon, apat na anak, at dalawang apo. Ito rin ang inawit sa kasal ng kanyang bunsong anak na babae noong nakaraang taon.

Malinaw kung bakit ito ang paboritong awitin ng mga ikinakasal. Bukod sa magandang himig, ang bawat titik ay puspos ng kahulugan at lubos na nakapagpapagaan ng kalooban, katulad ng pag-ibig at kabutihan ng Diyos. Henry Y.

Pagninilay: Sapat ba ang pananampalataya ko kay Hesus? Siya ba ang sentro ng aking pamilya?

Pagtibayin Niyo, Panginoon, ang aking pananampalataya sa Inyo para ako ay mabuhay at mamatay nang maligaya.

No comments: