Thursday, January 11, 2007

Ngayon Dapat!

Minsan may isang babaeng palaboy ang natagpuang patay sa kanyang kutson sa tabing daan. Sa gulat ng mga pulis na kumuha sa kanyang bangkay, natagpuan nila na ang hinihigaan ng babae ay hindi kutson kundi mga dolyares. Siya ay literal na nakahiga sa pera habang naninirahan sa kahirapan. Siya ba ay nag-ipon para sa kinabukasan?

Naniniwala ako sa pagpaplano para sa hinaharap. Kaya naman nagtatabi ako ng pera buwan-buwan para sa aking pensiyon. Pero, sinisiguro ko rin na ang perang itinabi ko ay hindi nagpapahirap sa pamumuhay ko ngayon.

Ngayon. Iyan ang salitang laging binabalewala. Ang bukas ay laging kinatatakutan. Ang kahapon, laging binabalikan. Pero ang ating ngayon nating pag-uusapan. Kailangan nating pangalagaan ang mga pangangailangan natin ngayon. Dahil kung hindi, hindi natin mararating ang bukas. Kung mabubuhay tayo sa nakaraan, wala tayong pag-unlad. Ngayon ang pinakamahalaga. Kung hindi mo isasabuhay ng lubos ang ngayon, magpaalam ka sa iyong bukas. Victoria L.

Pagninilay: Pagtuunan mo ng panahon ang bawat araw. Iyon lang ang paraan na makararating ka sa kinabukasan.

Malanghap ko lang ang mga biyaya Ninyo sa araw na ito ay sapat na ito para malaman ko na may higit na darating pa bukas.

No comments: