Thursday, January 4, 2007

Halika At Tingnan Mo

Nasubukan mo na bang magtanong ng direksiyon? Siguro. Minsan, nagtanong ako sa ilang tao kung paano pumunta sa isang lugar at nakakuha ako ng mga kakaibang sagot.

Ang iba ay sumagot sa pamamagitan ng marami ring tanong. para lang sabihin sa huli, "Sori, hindi ko alam e." May ilan namang gumamit ng sikat na tanda ng mga Pilipino na pagngunguso sa direksiyon. Mayroon naman nagbigay ng maling direksyon na hindi sinasadya. At mayroon ding iilan na hindi lamang basta itinuro ang lugar, kundi sinamahan pa ako sa aking pupuntahan.

Bakit? Dahil alam nila kung saan ako pupunta.

Ikaw ba ay naliligaw? Hinahanap mo ba ang daan patungo sa buhay?

Naghahanap ka ba ng kasagutan?

Ang sabi ni Hesus sa iyo, "Halika at tingnan mo." Hindi Niya itinuro ang daan. Dadalhin ka Niya doon. Sabi ni Hesus, "Halika at tingnan mo." Hindi ka Niya binibigyan ng direksiyon. Inaanyayahan ka Niyang maranasan mo Siya sa iyong buhay.

Sumama ka sa Kanya at makikita mo. Arun G.

Pagninilay: Turuan Ninyo akong mahanap ang tamang daan papunta sa Inyo.

Kung ikaw ay naliligaw, kanino ka hihingi ng direksyon?

No comments: