Friday, January 5, 2007

Sigla Ng Pagmamahal

Si Dr. Catherine Hamlin ay isang Australyanong ob-gyne, na nagtayo ng libreng ospital na pang-pistula sa Ethiopia para sa mga kababaihang itinakwil ng lipunan. Itinakwil sila dahil sa masangsang na amoy na lumalabas sa kanilang katawan, sanhi ng patuloy na pagdaloy ng ihi at dumi sa kanilang pistula, na di nagsara makalipas ang ilang araw pagkapanganak ng walang doktor dahil sa lubhang mahirap na kondisyon.

Sa nakaraang 50 taon ng kanyang 80 taong gulang, isinasara niya ang mga pistula, pinakakain at binibigyan ng kagalingang pisikal at emosyonal, at pinauuwi na may bagong damit at pera ang mga kababaihang ito para makapagsimula muli. "Dumaraing sila sa amin na nakayuko at taglay ang dalawang bagay lamang: pag-asa at damit na may mantsa ng ihi," sabi ni Dr. Hamlin. "Gumagastos kami ng $450,000 bawat taon para pagalingin ang mga kababaihang ito, at nanlilimos kami. Ang tawag sa amin ng aking asawa ay propesyonal na pulubi." At sabay ngiti ni Dr. Hamlin.

May kislap sa kanyang mga mata. Siya ay nangungulubot na, matanda at payat ngunit ang sigla ng pagmamahal ay sumisibol pa rin sa kanya. Mayroon ka ba nito? Lallaine G.

Pagninilay: Ako ba ay kumikinang sa pagmamahal?

Panalangin: Gawin Niyo akong maging mas mapagmahal sa bagong taon na ito.

No comments: