Sunday, January 7, 2007

Bituin Sa God's Biz

Nora Aunor. Vilma Santos. Sharon Cuneta. Maricel Soriano. Sila ang mga artistang bituin ng showbiz. Ngunit sa "God's biz," may mga bituin din ba? Mayroon din at kumikislap sila na may kakaibang liwanag. Wika ni San Pedro: "Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang tutol at pagtatalo, upang kayo'y maging mga ulirang anak ng Diyos, malinis at walang kapintasan sa gitna ng mga taong masasama. Sa gayon, magsisilbi kayong ilaw sa kanila, tulad ng talang nagniningning sa kalangitan" (Filipos 2:14-15).

Sila ang mga taong nagpapakita sa ating ng liwanag ng ating Panginoon sa pamamagitan ng kanilang pag-ibig, kabaitan at paglilingkod.

Ngayong Linggo ng Epipanya, hayaan nating maghari si Hesus sa atin habang tinutularan natin ang mga bayani ng ating pananampalataya. At gaya ng mga pantas, nawa tayo ay magpasalamat, magpuri at mag-alay sa kanya ng ating buhay, manalangin, at magpakasakit. Magningning nawa tayo tulad ng mga bituin! Obet C.

Pagninilay: Gusto ko bang pang-showbiz star lang ako? O pang-God-biz star?

Ang totoo't ang liwanag, buhat sa 'yo ay pakamtan, upang sa Sion ay mabalik, sa bundok mong dakong banal... (Awit 43:3)

No comments: