Sunday, January 21, 2007

Espesyal Sa Diyos

Nung buntis ako sa ikalawang anak kong lalaki, nakita ng mga doktor na lumalaki ang ulo ng bata dahil sa tubig sa utak, isang kondisyon na tinatawag nilang "hydrocephalus." Sabi nila baka hindi ko malabas siya ng buhay. Kung sakali mang mabuhay, magiging parang gulay nalang siya habang buhay.

Nang naipanganak ko na siya, hindi ko man siya matingnan. Dahil sa laki ng ulo niya, nagmukha siyang galing ibang planeta. Walang masabi ang pamilya at mga kaibigan ko. Ano nga ba naman ang masasabi mo sa isang ina na nasa ganoong kalagayan? Ngunit nagpadala ng text ang kapatid ko na nagbigay ginhawa sa akin. Sinabi niya na napaka-espesyal ko siguro sa Diyos na pinili niya ako at pinagkatiwalaan na mag-alaga sa isa sa Kanyang mga espesyal na anak.

Ngayon nakikita ko na talagang napaka-espesyal ko sa Diyos. Nakatanggap ako ng grasya na di mararanasan ng ibang tao. Naranasan ko ang pagmamahal at presensiya ng Diyos na di ko kailanman ipagpapalit sa kahit anong kaligayahan sa mundo. Sabi nga nila, madaling makakita kapag maaraw. Ngunit, sa gabi ka lang maaaring makakita ng malayo. Ronna L.

Pagninilay: Nakikilala mo bang mas mabuti ang Diyos sa mga pagsubok sa buhay mo?

Panginoon, hayaan mong lumalim ang pagkakilala ko sa iyo sa gitna ng mga kahirapan ko sa buhay.

No comments: