Saturday, January 6, 2007

Ang Tunay Na Big Brother

Pinoy Big Brother! Naging patok ito sa telebisyon. Mga "housemates" ay pumasok sa "Big Brother House" at nanatili roon sa loob ng 100 araw. Ang lahat ng kanilang salita, kilos at gawa ay sinusubaybayan ni "Kuya" at ng mga manonood. Humaharap sila sa iba't-ibang pagsubok para magwagi at higit sa lahat - mapasaya si "Kuya." Pumapasok sila sa "confession room" para ipahayag ang kanilang mga saloobin kay "Kuya" nang walang itinatago. Ang iba ay ibinoboto ng kanilang "housemates." ng mga manonood, at ni "Kuya" palabas ng "bahay."

Ang ating pagiging Kristiyano ay maikukumpara sa palabas na ito. Tulad nito, kailangan nating humarap sa mga pagsubok ng buhay para manalo ng gantimpala at - higit sa lahat - para mapasaya ang ating Big Brother na si Hesus. Pumapasok tayo sa "confession room" kng gusto nating makipagsundo sa Kanya; wala tayong maitatago. Ngunit hindi Niya tayo ibinoboto palabas ng bahay kahit ayaw na tayo ng lahat.

Sa bawat pagtatapos ng araw, tanungin natin ang ating sarili. "Napasaya ko ba ang Big Brother ko ngayong araw na ito?" Tina M.

Pagninilay: Sa taong ito, lagi ko nawang isa-isip na pinanonood ako ng aking Panginoon nang buong pagmamahal.

Panalangin: Tingnan Ninyo ako nang may pagmamahal at ako ay gagandang totoo.

No comments: